Justice For Vizconde Massacre On Patrol

Tapos na ang 20 taon palugit para makapag-sampa ng anumang kaso kaugnay ng Vizconde massacre. Napawalang-sala na rin sa Korte Suprema ang mga akusado sa krimen, sa pangunguna ni Hubert Webb.

Pero sa pagkahaba-haba na taong tinakbo ng paglilitis ng kaso, parehong partido ang hindi pa rin nakakuha ng hustisya at katahimikang inaasam.

Ngayong Martes (Hulyo 5) sa “Patrol ng Pilipino,” alamin sa ulat ni Jing Castañeda ang mga bagong detalye sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso ng National Bureau of Investigation kasama ang Department of Justice.

Sa dinanas ng naulila sa pamilya na si Lauro Vizconde, at nang naburo sa bilangguan na si Hubert, may aasahan pa ba sa klase ng hustisya sa bansa?

Samantala, dagdag pa sa problema sa mga paaralan ang estado ng kalinisan ng mga mag-aaral. Sa dinami-raming kulang sa ating mga pampublikong eskwelahan, dagdag pa rito ang pagkakaroon ng dental cavities at ng mga kuto at lisa ng mga bata.

Samahan si Ryan Chua sa pagkilala sa marami-raming “batang kutuhin” at may mga sirang ngipin at alamin ang mga paraan para magkaroon ng isang malusog at malinis na pangangatawan.

Abangan sina Jing Castañeda at Ryan Chua sa “Patrol ng Pilipino,” Martes ng gabi (Hulyo 5), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.
Reacent Post

0 comments:

Post a Comment

Total Pageviews